HAIKU/TANAGA
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral, agimas, at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga hapones. Ang tanaga ay isang tulang tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.
Ang haiku ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkasunod-sunod. Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang bahagi ng salita ngunit ginagamit ng paghahambing ng isa o ng dalawang magkaibang tao, hayop, bagay, pangyayari ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng sining. At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga hapones, naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay kinakikitaan ng katangiang maaaring maging paraan upang mapagyaman ang kanilang sining. Ang mga salita na may wastong sukat na mga pantig sa 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda ng isang haiku.
Wikang Filipino
Lunes, Disyembre 12, 2016
"Dalawang uri ng Tauhan"
Dalawang uri ng Tauhan
Ang tauhang bilog ay tauhang nagbabago ang paguugaling ipinakikita sa kwento. Nagiging maamo ang dating malupit o mabagsik ang likas na makasalanan ay magiging banal.
Ang tauhang lapad naman ang tawag sa tauhang hindi nagbabago. Kung ano ang pagkataong iponakita niya sa simula hanggang sa wakas ay ganon pa rin.
Elemento ng Maikling Kwento
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
1.) Tauhan - Likha ng mga manunulat ang kanyang mga
tauhan.
2.) Tagpuan/Panahon - Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang
panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3.) Saglit na Kasiglahan - Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
4.) Suliranin o Tunggalian - Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. tunggalian ay maaring tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/Lipunan.
5.) Kasukdulan - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan, Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6.) Kakalasan - ito ang kinalabasan ng Paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7.) Wakas - Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may
malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)