Lunes, Disyembre 12, 2016

"Report tungkol sa Haiku at Tanaga"

                                         HAIKU/TANAGA 

        Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral, agimas, at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga hapones. Ang tanaga ay isang tulang tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga. 


           Ang haiku ay isang uri ng maikling tula o saknong (stanza) o taludturan sa larangan ng panulaan na nagsimula sa bansang Japan. Sa literature ng mga hapon, ito ay binubuo ng tatlong (3) taludtod at may bilang ng mga pantig na lima-pito-lima (5-7-5) ayon sa pagkasunod-sunod. Ito ay karaniwang hindi nangangailangan ng tugma sa bawat hulihang bahagi ng salita ngunit ginagamit ng paghahambing ng isa o ng dalawang magkaibang tao, hayop, bagay, pangyayari ng mga alituntuning kaakibat ng ganitong uri ng sining. At dahil na rin sa likas na pagkamalikhain ng mga hapones, naipaimbulog sa kanilang kultura ang haiku at magpahanggang ngayon ay kinakikitaan ng katangiang maaaring maging paraan upang mapagyaman ang kanilang sining. Ang mga salita na may wastong sukat na mga pantig sa 5-7-5 at may tugma sa hulihang bahagi at may iisang diwa, ideya paglalarawan, at katugmaan ang kalimitang nagiging dahilan ng ikagaganda ng isang haiku. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento